Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Labor Day ang National Wages and Productivity Commission na agad na suriin at ayusin ang sahod ng mga manggagawa sa bansa.
Makakatulong upang mabawasan ang epekto ng inflation sa mga manggagawang Pilipino.
Kaugnay nito, nanawagan ang Pangulo sa Kongreso na gumawa ng mga batas para maiangat ang kalagayan ng mga minimum wage earners.
Matatandaang nauna nang nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 11962, o ang Trabaho Para sa Bayan Act na naglalayong tugunan ang unemployment, underemployment, at iba pang pagsubok sa labor market.
Nakapagbigay na rin ang pamahalaan ng panandaliang trabaho sa 5.66 milyong benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) mula Hulyo 2022 hanggang Pebrero 2024.
Mayroon na ring 167,065 benepisyaryo na isinama sa livelihood programs sa ilalim ng ILP, habang 429,133 na benepisyaryo naman ang nakatanggap ng tulong mula sa Employees’ Compensation Program, at nakapagtala ang Technical Education and Skills Development Program (TESDA) ng 2.65 milyong indibidwal sa ilalim ng reskilling at upskilling program nito.

