unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

SAJELCO, nakikiusap sa mga nagngingitngit na mga konsumedores

Posted by philpiccio | Aug 4, 2022 | 0

SAJELCO, nakikiusap sa mga nagngingitngit na mga konsumedores

Nakikiusap ang SAJELCO o San Jose City Electric Cooperative sa mga konsumedores na unawaing tumaas ang generation charge dahil wala silang kontrol sa pandaigdigang krisis sa presyo ng coal at ang kanilang kontrata ay sa isang coal fire power plant.

Ayon kay SAJELCO General Manager Cesar Ubungin, 3rd quarter ng taong 2021 nang magsimulang tumaas ang presyo ng taripa sa kuryente bunsod ng pagtaas sa presyo ng coal sa world market at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar dahil sa alitan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa buwan ng Hulyo, pumapatak na sa P16.97 per kilowatt hour ang rate sa kuryente sa residential habang P15.99 per kilowatt hour sa commercial at P14.37 sa industrial.

Ipinaliwanag ni Engr. Ubungin na sa unang dalawang taon na nakakontrata ang SAJELCO sa Masinloc Coal Power Plant na pagmamay- ari ng San Miguel Corporation ay naging maganda ang rate nito.

Subalit ngayon ay lumabas na mas mataas ang kanilang singil kumpara sa mga katabing electric cooperative.

Ngunit simula nang tumaas ang taripa ay gumawa na rin ng hakbang ang SAJELCO para mapababa ang kuryente kung saan kumausap na sila ng isang renewable energy developer upang masimulan ang proseso ng pagpapatayo ng 10 megawatt power plant na hindi pa nakakontrata sa Masinloc Coal Power Plant. Ang nasabing solusyon ay aabutin ng mahigit isang taon.

Hindi rin aniya posible na bumaba sa mga susunod na buwan ang singil sa kuryente dahil nakadepende ito sa presyo ng coal sa world market.

Share:

PreviousBinatang mas piniling maging magsasaka kesa engineer, matagumpay na ngayon
NextFull interview with SAJELCO tungkol sa solusyon sa pagbaba ng singil sa kuryente

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Mga mamamayan ng Muñoz na nais magnegosyo, maaaring matulungan ng bagong bukas na Go Negosyo

Mga mamamayan ng Muñoz na nais magnegosyo, maaaring matulungan ng bagong bukas na Go Negosyo

October 18, 2017

BAGONG MUNICIPAL BUILDING NG SAN ANTONIO, PINASINAYAAN NA

BAGONG MUNICIPAL BUILDING NG SAN ANTONIO, PINASINAYAAN NA

January 16, 2015

NECSL SEASON 4 GAMES SCHEDULE

NECSL SEASON 4 GAMES SCHEDULE

September 29, 2015

OFW sa Jeddah na natulungang mapauwi ng Malasakit OFW Program ng Provincial Government, ikinuwento ang dinanas sa kamay ng amo

OFW sa Jeddah na natulungang mapauwi ng Malasakit OFW Program ng Provincial Government, ikinuwento ang dinanas sa kamay ng amo

January 11, 2018

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .