unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health

San Antonio Mayor Arvin Salonga, bagong LMP President

Posted by philpiccio | Jul 26, 2022 | 0

San Antonio Mayor Arvin Salonga, bagong LMP President

Sa labing walong Mayors ng lalawigan ng Nueva Ecija na dumalo sa isinagawang eleksyon ng bagong pangulo ng League of the Municipalities of the Philippines Nueva Ecija chapter, ay walang nagtangkang lumaban kay San Antonio Mayor Arvin Salonga, na ginanap sa Old Capitol Building, noong July 20, 2022.

Sa panayam kay Mayor Salonga ay sinabi nitong kabilang sa kanyang tututukan ang pagbibigay ng mga proyekto sa bawat bayan at lungsod sa probinsya na naaangkop sa kanilang mga pangangailangan, maging ang pagsugpo sa mga illegal na sugal, droga at pagtugon sa COVID-19.

Paiigtingin din aniya nila ang pagkakaisa upang matulungan ang mga Local Government Units (LGU) na may maliliit lamang ang pondo.

Upang maisakatuparan ang mga balaking ito ay hinihingi ni Mayor Salonga ang kooperasyon at tulong ng bawat Punong Ehekutibo at pahihigpitin ang kanyang pakikipag-ugnayan kay Governor Aurelio Umali.

Hinimok din nito ang mga Alkalde na tuldukan na at isantabi na ang politika at magkaisa bilang isang pamilya upang makapagbigay ng serbisyo sa taong bayan.

Makikipag-ugnayan rin aniya siya sa pinalitan nitong dating pangulo ng liga na si Guimba Mayor Boyong-boyong Dizon para sa mga programa at proyektong nasimulan na nito na maaari nitong maipagpatuloy para sa kapakapanan ng mamamayan.

Kasama sa mga naitalagang opisyales ng liga sina Cabiao Mayor Ramil Rivera bilang pangalawang pangulo; Zaragoza Mayor Lally Belmonte bilang Kalihim; Jaen Mayor Sylvia Austria bilang Ingat Yaman; Licab Mayor Eufemia Domingo bilang Auditor; Lupao Mayor Alex Romano bilang Business Manager; Nampicuan Victor Badar bilang PRO.

Para sa directors naman ay sina Cuyapo Mayor Flor Esteban; Talavera Mayor Nerito Snatos Jr.; Pantabangan Mayor Roberto Agdipa; Llanera Mayor Ronnie Roy Pascual; Gabaldon Mayor Jobby Emata; Bongabon Mayor Ric Padilla; San Leonardo Mayor Froilan Nagaño at Gen. Tinio Mayor Isidro Parajillaga.

Share:

PreviousAng pinaka unang sanggol na nabuo sa laboratoryo
NextMga programa para sa PWDs, tampok sa pagdiriwang ng 44th NDPR Week sa Nueva Ecija | TV48 Station

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

KASAYSAYAN NG FOOD PRESERVATION, KAILAN NGA BA NADISKUBRE NG MGA TAO?

KASAYSAYAN NG FOOD PRESERVATION, KAILAN NGA BA NADISKUBRE NG MGA TAO?

February 24, 2015

Puksain ang droga sa pamamagitan ng malasakit at pagpapahalaga sa buhay ng bawat isa —Gov. Cherry Umali

Puksain ang droga sa pamamagitan ng malasakit at pagpapahalaga sa buhay ng bawat isa —Gov. Cherry Umali

July 27, 2017

BAYAN NG TALAVERA, PATULOY SA PAG-UNLAD

BAYAN NG TALAVERA, PATULOY SA PAG-UNLAD

November 18, 2015

Barya baryang rollback ng produktong petrolyo, walang epekto ayon sa tricycle drivers

Barya baryang rollback ng produktong petrolyo, walang epekto ayon sa tricycle drivers

September 15, 2022

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .