SAN JOSE CITY, KUMIKINANG SA PAGSALUBONG NG PASKO

Nagniningning na ang pinakaaabangang pailaw sa San Jose City, na bukas na para pasyalan ng mga mamamayan.

Ang bonggang pailaw na ito ay taunang tradisyon na ng pamahalaang panlungsod sa pangunguna nina Mayor Kokoy at Ali Salvador na inaabangan hindi lamang ng mga taga-San Jose City kundi pati na rin ng mga bisita mula sa iba’t ibang lugar sa probinsya, bilang simula ng masayang selebrasyon ng Kapaskuhan.

Tuwing sasapit ang Kapaskuhan, nagiging makulay at kumikinang ang mga pangunahing daan at mga pampublikong lugar sa lungsod, partikular ang Maharlika Highway, pamilihang panlungsod o public market front, at ang city social circle na kilala rin bilang “kegkeg.”

Ang mga pailaw dito ay nagpapakita ng masigla at masayang selebrasyon ng Pasko, na nagbibigay ng kakaibang sigla sa lungsod at nagdudulot ng tuwa sa mga dumadayo upang masaksihan ang maliwanag at makulay na tanawin.

Tunay na pinapatunayan ng San Jose City na sila ang “Christmas Capital ng Nueva Ecija,” dahil ang taunang pailaw na ito ay nagsisilbing simbolo ng pag-asa at pagkakaisa ng bawat mamamayan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan. Sa bawat kislap at liwanag, ipinapaabot nito ang diwa ng Kapaskuha ang pagbibigay-kasiyahan at pagkakaroon ng masiglang pananaw para sa darating na taon.