Halos tatlong dekada na ang export ng sariwang okra ng Tarlac.
Sinimulan ito sa inisyatiba ng Japanese national na si Tatsuji Matsuoka, kasama niya ang kanyang asawang Filipina na si Helen Matsuoka mula San Isidro, La Paz.
Ayon sa Magazine Agriculture, nagsimula ang taniman ng okra sa apat na ektarya.
Gayunpaman, nakita agad ang potensyal nito para sa Japan market.
Sa paglipas ng mga taon, tuluy-tuloy ang pagtaas ng export volume.
Sa kasalukuyan, tinatayang P680 milyon ang taunang halaga ng export.
Umaabot din sa humigit-kumulang 4 million metric tons ang produksyon kada taon.
Bukod dito, mahigit 1,000 magsasaka at contract growers ang kabilang sa exportation.
Samantala, tinatayang 5,000 manggagawa ang employed bilang pickers at packagers.
May pitong processing centers din na nakatuon sa export requirements.
Mayroon ding 16 accredited exporters at dalawang provincial cooperatives.
Ayon sa Department of Agriculture, kabilang sa mga nangungunang exporter ang Jelfarm ng Tarlac Okra Grower Cooperative.
Nakakapag-export umano ang Jelfram ng halos 5 tons araw araw pagkatapos ng harvest season.
Sa kasalukuyan, kinikilala ang lalawigan bilang sentro ng okra para sa export sa Pilipinas.
Courtesy: Department of Agriculture, Jellfarm


