BABALA! SENSITIBONG BALITA:
SECURITY GUARD, CONSTRUCTION WORKER, ARESTADO SA NUEVA ECIJA DAHIL SA ILLEGAL NA MGA BARIL
Bagaman sa campaign period sa National and Local Elections para sa taong 2025 pa lamang ipatutupad ang gun ban ay pinaigting na ng Nueva Ecija Provincial Police Office ang panghuhuli sa mga suspek na nagmamay-ari ng mga illegal na baril.
Ilan sa mga naaresto noong October 3, 2024 sa bisa ng mga insiyung Search Warrants ang isang 40-year-old security guard, residente ng Barangay San Pablo, Jaen. Nakumpiska umano sa kanya ng mga awtoridad ang one (1) caliber .45 pistol without a serial number, five (5) rounds of live ammunition, one (1) magazine assembly para sa nasabing baril, and one (1) black sock.
Habang isang construction worker naman na kinilalang si alias JETLI, bente singko anyos, at naninirahan sa Barangay San Anton, ang dinakip sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija.
Sa operation, nasamsam umano ng mga pulis ang one (1) caliber 9mm pistol na kargado ng five (5) live rounds ng mga bala.
Kahit wala ang dalawampong taong gulang na lalaking suspek sa bayan ng Peñaranda ay hinalughog ng mga awtoridad ang bahay nito sa Barangay Callos, Peñaranda, Nueva Ecija, kung saan nakakuha umano ng dalawang caliber .38 revolvers at walong live rounds ng mga bala nito.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong Violation of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

