SEN. LOREN LEGARDA, NAGKALOOB NG TUPAD SA 3,826 NOVO ECIJANO
Pasasalamat ang ipinaaabot ng Pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali kay Senator Loren Legarda sa patuloy na suporta nito para sa mga Novo Ecijano na walang mga sapat na hanap-buhay sa pamamagitan ng TUPAD or tulong pangkabuhayan sa ating Disadvantage Displaced Workers.
Ayon kay Maria Luisa Pangilinan, Manager ng Provincial Employment Service Office (PESO), nasa 3,826 na Novo Ecijano ang naging benepisyaryo sa naturang programa.
Prioridad ang mga nawalan ng trabaho at walang sapat na pinagkakakitaan para maitaguyod ang kanilang pamilya.
Sa loob ng sampung araw ay naglinis ang mga benepisyaryo sa kani-kanilang mga barangay, sa paligid ng Old Capitol compound, at sa Freedom Park para mapanatili ang kalinisan at kaayusan.
Bawat benepisyaryo ay may katumbas na sweldong Php 4,600.00, na pumapatak ng Php 460.00 bawat araw.
Dagdag pa ni Pangilinan, patuloy sa paghahanap ng mga programa ang pamahalaang panlalawigan na para magkaroon ng trabaho at matulungan ang lahat ng mga Novo Ecijano na walang sapat na hanap-buhay.

