SENADOR, NAGBABALA KONTRA FAKE NEWS
Nagbabala si Senator Bong Revilla kontra fake news matapos na kumalat ang isang post sa social media na naglalaman ng offensive o masasakit na salita laban sa mga Muslim.
Ang nasabing social media post ay lumabas noong 2019 at muling ipinakakalat sa mga social media platforms upang sirain ang kaniyang imahe at ang maayos na ugnayan sa Muslim community.
Ayon kay Senator Revilla, ang mga nasa likod ng pagkakalat ng pekeng balita ay layong linlangin ang publiko.
Ikinalungkot din ng senador na may mga taong handang sirain ang reputasyon at pag away-awayin ang mga tao gamit ang pagkakalat ng maling impormasyon.
Binigyang diin naman ng senador na hindi siya kailanman magiging bahagi ng anumang hakbang na magpapababa ng dangal ng sino man sapagkat malinaw ang kaniyang paninindigan- ang pagkakaisa, respeto at pagtutulungan ng sambayanang Pilipino.

