SENSITIBONG BALITA: WANTED PERSON SA NUEVA ECIJA, NAHULI SA ALBAY

Humantong sa pag-aresto sa pinaghahanap na wanted person ang manhunt operation na isinagawa ng Nueva Ecija Provincial Police Office noong Setyembre 3, 2025.

Ayon sa ulat na nakarating kay PCOL Heryl ‘Daguit’ Bruno, bandang 4:30 ng umaga, ang pinagsanib na elemento ng 1st PMFC (nangungunang yunit), at Guinobatan Police Station (Albay PPO) ay nagsagawa ng operasyon sa Sitio Basud, Barangay San Rafael, Guinobatan, Albay.

Nagresulta ito sa pag-aresto sa akusado na isang 42-anyos na lalaking residente ng Barangay Las Piñas, Peñaranda, Nueva Ecija.

Kasalukuyan siyang Most Wanted Person sa bayan ng Peñaranda dahil sa paglabag sa Lascivious Conduct sa ilalim ng RA 7610, na may inirekumendang piyansa na Php 200,000.

Ang akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng Peñaranda Police Station.