SENTIMENTAL VISIT NG COMMANDER NG POLICE SOUTHERN LUZON, MASAYANG NAIDAOS SA NUEVA ECIJA PROVINCIAL POLICE OFFICE
Mainit na tinanggap ng Command Group and Staff ng Nueva Ecija Police sa pamumuno ni Provincial Director Richard Caballero si PLTGEN Rhoderick C. Armamento sa kanyang sentimental visit sampong araw bago siya magretiro sa serbisyo sa June 28,2024.
Sa kanyang mensahe, inalala ni Armamento ang kanyang mga naging karanasan sa lalawigan simula taong 2002 na siya ang nakaupong Chief of the intelligence unit ng kapulisan.
Nagpapasalamat aniya siya sa Panginoong Diyos sa kanyang mga pinagdaanan bilang pulis, sa kanyang mga nakasama at naging kaibigan sa paglilingkod na umabot hanggang 36 years.
Sa pagtatapos ng kanyang panunungkulan ay malugod na tinatanggap ni Armamento ang bagong kabanata ng kanyang buhay.

