unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

Serye ng cooking fest, isinagawa sa San Jose City

Posted by philpiccio | Jul 31, 2022 | 0

Serye ng cooking fest, isinagawa sa San Jose City

Nagsagawa ng serye ng cooking fest ang iba’t ibang barangay sa San Jose City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.

Nito lamang Hulyo 27 nang ihain sa Brgy. Porais ang iba’t ibang klase ng luto ng tokwa o tofu kung saan pumatok at nagwagi ang tofu croquettes, tokwa ala king at sizzling tofu.

Nauna pa dito noong Hulyo 26 naman ay katakam-takam na luto ng mga gulay ang ipinamalas ng pitong grupo ng mga kababaihan sa Brgy. Culaylay.

Kanya-kanya sa diskarte ang mga kababaihan sa pagluluto ng mga gulay na labong, kangkong, petchay, talong, kalabasa at patatas.

Nagwagi dito ang “Dinengdeng ti Ilokano with Shanghai ala Labong” ng grupo mula sa Zone 6.

Kasabay naman ng oath taking ng San Jose City Federation of PWDs noong July 25 ay nagsagawa din ng cook fest na nilahukan ng mga person with disability sa Pag-asa Sports Complex.

Hinati ang patimpalak sa apat na kategorya para sa mga rekadong ginamit, nariyan ang puso ng saging, karne ng manok, baboy at isda.

Bahagi din ang naturang aktibidad ng pagdiriwang ng 44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Pamahalaan kabalikat sa pagtupad ng pantay na edukasyon, trabaho, at kabuhayan tugon sa pagpapalakas ng taong may kapansanan”.

Bumida din ang mga nanay sa Brgy. Pinili noong July 20 sa pagmamalas ng kanilang galing sa pagluluto, kasunod ang pagpapakitang gilas ng mga chikiting na rumampa habang suot ang iba’t ibang gulay sa Little Miss Nutrition 2022.

Share:

PreviousPagtatama ng maling impormasyon sa birth certificate, may bayad ba o wala?
Next23 kandidata ng Bb. Nueva Ecija 2022, opisyal nang ipinakilala; Premyo, mas pinalaki!

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

ILLEGAL RECRUITER UMANO NI MJ NA SINA CRISTINA SERGIO AT JULIUS LACANILAO, INILIPAT NA SA KOSTUDIYA NG PROVINCIAL JAIL NG N.E

ILLEGAL RECRUITER UMANO NI MJ NA SINA CRISTINA SERGIO AT JULIUS LACANILAO, INILIPAT NA SA KOSTUDIYA NG PROVINCIAL JAIL NG N.E

May 27, 2015

Novo Synthesis Cactus and Succulents fair,  dinagsa

Novo Synthesis Cactus and Succulents fair, dinagsa

September 18, 2019

MGA NATATANGING MANGANGANYON, PINARANGALAN SA 8TH FOUNDING ANNIVERSARY NG ARMY ARTILLERY REGIMENT

MGA NATATANGING MANGANGANYON, PINARANGALAN SA 8TH FOUNDING ANNIVERSARY NG ARMY ARTILLERY REGIMENT

June 23, 2015

Ilang suliranin ng mga mamamayan sa Bayan ng Nampicuan, nasolusyunan ng Pamahalaang Panlalawigan

Ilang suliranin ng mga mamamayan sa Bayan ng Nampicuan, nasolusyunan ng Pamahalaang Panlalawigan

July 17, 2015

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .