SIGAW NG MALAYANG CABANATUAN THE CONCERT: TAGUMPAY SA PAGBIBIGAY KASIYAHAN, PATUNAY NG PAGKAKAISA SA NUEVA ECIJA
Dinumog ng libo-libong Cabanatueño ang libreng concert na inorganisa ng ‘Team Malayang Cabanatuan’ na pinangungunahan nina Vice Governor at Mayoral Candidate Doc. Anthony Umali at 3rd District Board Member at Vice Mayoral Candidate Nero Mercado.
Naganap ang “Sigaw ng Malayang Cabanatuan The Concert” sa NFA Grounds, Cabanatuan City noong ika-5 ng Oktubre, na dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa industriya ng musika at komedya, kasama sila Governor Aurelio Umali, Vice Governor Candidate Lemon Umali, at Congresswoman Cherry Umali.
Nagbigay tuwa sa mga manonood sina Jose Manalo at Wally Bayola na kilala sa kanilang mahusay na pagpapatawa, at hindi rin nagpahuli ang musikero at rapper na si Andrew E.
Maliban sa mga komedyante, nagpasiklab din sa entablado ang iba’t-ibang banda at solo artist, kabilang ang ‘The Dawn’, ‘Mayonnaise’, at ‘Chocolate Factory.’
Nagbigay din ng kakaibang energy ang performance ni Noel Palomo mula sa grupong ‘Siakol’ kasama ang ‘Repakol Band’, na pinalakpakan din ng madla.
Kasama rin sa line-up sina Beaver Magtalas, Tipsy D at Sinio, pati na sina Romano at J King, na bumida sa kanilang rap performances.
Nagtapos ang gabing puno ng saya sa performance ng DJ na si Michael Dutchi Libranda, na sinabayan ng masigabong palakpakan ng mga manonood.
Ang Sigaw ng Malayang Cabanatuan ay hindi lamang naging matagumpay sa pagbibigay ng kasiyahan, kundi isa ring patunay na buhay na buhay ang diwa ng pagkakaisa hindi lamang sa lungsod ng Cabanatuan, kundi sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.

