Simpleng Gawain sa Pangangalaga ng Ngipin
Magandang araw mga mars! Ako si Star Rodriguez—Piccio at samahan niyo ako sa panibagong episode ng “Beauty, Health at iba pang Tips”!
Tama na ang puro skin care routine, mayroon na ba kayong dental care routine? Kung wala pa, makinig kayo.
Narito ang ilang tips para pangalagaan ang ating mga ngipin ayon sa isang artikulo ng healthline:
Una, toothbrushing.
Huwag matulog nang hindi nagsisipilyo ng ngipin. Marami ang patuloy na nagpapabaya sa pagsipilyo ng ating ngipin sa gabi.
Ngunit palaging tandaan na ito ang pinakaimportanteng oras ng pagsisipilyo, dahil ang pagsisipilyo bago matulog ay nakaaaalis ng mga mikrobyo na naipon sa buong araw.
Ang hindi naalis na dumi ay maaaring tumigas at humantong sa pagbuo ng tinatawag sa calculus at gingivitis, ito ang maagang pagkakaroon ng sakit sa gilagid.
But remember, huwag pababayaan ang dila, maaari rin kasing mamuo ang mikrobyo rito na maaaring magresulta ng pagkakaroon ng masamang amoy sa bibig.
Pangalawa, flossing.
Ang paggamit ng floss ay hindi lamang para sa pagkuha ng maliliit na piraso ng pagkain na naiwan sa pagitan ng iyong mga ngipin.
Sabi nga ni Jonathan Schwartz, isang American radio personality at nangungunang cosmetic and implant dentist sa Manhattan, New York City, “ang flossing ay isang paraan upang pasiglahin ang mga gilagid, bawasan ang bacteria, at makatulong na mapababa ang pamamaga.”
Pangatlo, drink more water.
Ang tubig ay isang mahusay na inumin para sa pangkalahatang kalusugan, kabilang ang kalusugan ng bibig.
Inirerekomenda ang pag-inom ng tubig pagkatapos kumain.
Makatutulong ito na alisin ang ilan sa mga negatibong epekto ng malagkit at acidic na pagkan at inumin na dumikit sa ating ngipin at gilagid.
Panghuli, see your dentist at least twice a year.
Kahit na ikaw ay masunurin at responsable pagdating sa pag-aalaga ng ngipin, kailangan mo pa ring magpatingin nang regular sa isang dentista.
Hindi lamang pag-aalis ng cavity at mikrobyo ang maaaring gawin ng isang dentist, ngunit maaari rin nitong makita ang ilan pang problema sa iyong ngipin at makapag-alok ng mga solusyon para rito.
Ang pagkamit ng malusog na ngipin ay nangangailangan ng panghabambuhay na pangangalaga.
Hindi sapat ang mayroon ka la’ng magagandang ngipin, mahalaga pa rin na gawin ang tamang hakbang araw-araw upang mapangalagaan ang mga ito at maiwasan ang mga problema.

