SINANGLAW; PAGBABALIK TANAW

Hanap mo ba ay masarap na pagkaing tiyak na hahanap-hanapin? Mura, sulit at masarap na abot kaya na tila mapapaextra rice ka pa. kahit ano mang oras, agahan, tanghalian hapunan o maging kahit meryenda, pwedeng-pwede!.

Ako si Jahna Marie Ballesca, halina’t samahan at tikman ang ipinagmamalaking Alrey’s Sinanglawan na matatagpuan dito sa Brgy. Bentigan, Cuyapo, Nueva Ecija.

Ang sinanglaw ay isang paboritong lutong Ilocano sa Cuyapo, Nueva Ecija—sabaw na gawa sa karne at lamang-loob ng baka, may asim ng kamias at konting pait ng apdo. Pinakukuluan ito sa sibuyas, kalamansi, at patis hanggang sa lumambot. Tikman ang mainit at malinamnam na sinanglaw.

Ang sinanglaw ay isang tradisyunal na putahe mula sa Ilocos na karaniwang gawa sa atay ng kalabaw at karne ng hayop, na may maasim na sabaw. Nang dumating ang mga Ilocano sa Cuyapo, Nueva Ecija, inadapt ng mga taga-roon ang sinanglaw at inangkop ito sa kanilang lokal na panlasa. Ang sinanglaw ng Cuyapo ay may ilang kaibahan sa Ilocos version, ngunit nanatili itong isang popular na ulam sa rehiyon.

Ang papaitan at sinanglaw ay parehong Ilocano dishes, pero magkaiba sa timpla. Ang papaitan ay mas mapait at maasim, gawa sa bituka at atay ng kalabaw. Samantalang ang sinanglaw, gamit din ang atay at karne, ay mas malasa at may banayad na asim—perfect sa mga ayaw ng sobrang pait

Ang sinanglawang ito ay dinudumog at pinipilahan ng mga mamimili. Patunay na ang kanilang mga inihahaing putahe ay masarap at sulit. Kitang-kita naman sa pili ng mga mamimili ay talagang dinudumog at pinagkakaguluhan ang kanilang sinanglawan.

Dahil narin sa kanilang abot presyong sinanglaw na nagkakahalaga lamang ng 109 pesos ay meron ka ng tinatawag nilang combo meal, Ang combo meal nila ay Isang mangkok na sinanglaw at Isang bopis o di kaya dinakdakan may kasama pang softdrinks kaya naman dinudumog sila ng maraming tao at Ang kanilang negosyong ito ay mayroon na ring branch sa karatig lalawigan ng Moncada, Tarlac. Talagang, kakaiba at may ipagmamalaki ang Alrey’s Sinanglawan.

Ano pang hinihintay nyo halina’t tikman Ang mainit at masarap na Sinanglawan sa Brgy. Bentigan, Cuyapo, Nueva Ecija!!