SIRA –SIRANG CLASSROOM, NAGDULOT NG PANGAMBA AT TAKOT SA MGA GURO AT MAG-AARAL NG PANTABANGAN WEST INTEDGRATED SCHOOL
Ito ang takot ng mga guro para sa kanyang mga mag-aaral sa Pantabangan West Integradted School.
Maliban sa sira-sirang kisame, problema sa electrical wirings at mga bintanang sira na rin ay ang mga comfort room na hindi na rin magamit ng maayos.
Agad namang tinugunan at binigyan katuparan ang hiling ng mga guro at estudyante sa pangunguna nina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali na mapagkalooban sila ng dalawang bagong classroom na malilipatan kumpleto sa mga kagamitan.
Malinis ang palikuran, maliwalas ang kapaligiran upang maging komportable na sa kanilang pag-aaral ang mga bata at wala nang takot na mararamdaman.
Kaya labis ang kanilang pasasalamat at nararamdamang kasiyahan.

