SM-MEGA CENTER SA CABANATUAN CITY, MAYROON NG E-VEHICLE CHARGING STATION
Pormal na binuksan noong November 7, 2024, ang E-Vehicle Charging Station sa parking lot ng SM-Mega Center sa Cabanatuan City.
Ang matagumpay na opening ng event na ito ay pinangunahan ni Keldrin Wy, Assistant Mall Manager ng SM-Megacenter kasama sina Sheen Eugenio, PR Manager ng SM City Cabanatuan, at Pearl Salangsang, Manager ng SM Regional Operations.
Layunin ng SM Supermalls at SM Green Movements sa pagbubukas ng e-vehicle charging station na suportahan ang “National Renewable Energy Program” na ipinapatupad ng pamahalaan para sa mas ligtas at malusog na kapaligiran dahil isa ang usok ng mga sasakyan sa itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng air pollution.
Itinuro ni Cris Anthony Santos, Sales Executive ng Dongfeng Motors-Tarlac City, ang step-by-step sa tamang paggamit ng e-vehicle charging station, gamit ang bagong labas nilang NAMMI e-vehicle car.
Sa panayam kay Engr. Artemio P. Almazan Jr., Cabanatuan City Department of Environmental and Natural Resources Officer (CENRO) ay sinabi nito na napakalaking tulong ng ganitong mga innovation dahil mas makakaiwas tayo sa mga polusyon at magkakaroon ng mas malinis na hangin.
Sa ngayon ay dalawa na ang nailulunsad ng Sm Supermalls na e-vehicle charging station “in mall” dito sa Cabanatuan, ang una ay matatagpuan sa Sm City, Cabanatuan at ang pangalawa ay dito sa SM Megacenter.

