SMUGGLED AGRI PRODUCTS NA NAHARANG SA PORT OF SUBIC, ZAMBALES, NAGMULA UMANO SA CHINA
Galing umano sa China ang naharang ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (D.A.) na smuggled agricultural products sa Port of Subic, Zambales, kahapon July 8, 2025.
31 sa 52 shipping containers ang nasa kustodiya pa ng BOC dahil sa hindi pagsipot ng mga consignee o representatives, habang 21 shipping containers naman ang cleared na.
Naglalaman ang mga ito ng frozen mackerel, carrots, white onion, chicken poppers, at chicken karaage.
Ayon sa D.A., may tatlo pang karagdagang shipping containers ang tinangkang itakas sa kustodiya ng BOC sa Port of Subic na patungo sanang Bulacan. Ngunit nahuli naman agad ito.
Posibleng maharap ang mga sangkot sa paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

