Marami ang kinilig at nainlove na mga netizens na nakasaksi sa mga proposals ng kasal ng mga kalalakihan sa kanilang mga sinisinta habang nagaganap ang astronomical event na solar eclipse noong April 8, 2024.

Isa sa mga nagviral sa tiktok na umani ng 4million views ang maituturing na perfect shot na ito ng proposal ni Austynn Harbison sa girlfriend na si Alex Hoffpauir, na inupload ni Macy Alex Photo dahil sa romantikong kuha ng larawan.

Perfect spot daw kasi pwesto ng dalawa kung saan kitang-kita ang solar eclipse bilang background sa picture habang nasa ilalim nito ang magkasintahan.

Marami man ang nagduda sa ganda ng pagkakakuha ng larawan ay wala namang duda ang saya ng couple kung saan naging saksi ang buwan sa kanilang pag-iibigan.

Magandang pagkakataon din ang nakuha ni Neil Albstein para magpropose sa kanyang kasintahan na si Michele Rosenblatt na kapwa taga New York habang sakay ng eroplano at nasasaksihan ang total solar eclipse.

Ang espesyal na pagkakataong masaksihan ang solar eclipse ay mas lalo daw naging espesyal para kay Albstein nang mag-yes sa kanya ang kasintahan.

Naamaze ang mga kasama nilang pasahero sa eroplano hindi lang sa pagkakasaksi sa eclipse kundi maging sa nakakakilig na tagpo ng kanilang pagmamahalan.