SPECIAL RECRUITMENT ACTIVITY PARA SA MGA NAGNANAIS MAGTRABAHO SA ABROAD

Muling maghahatid ng oportunidad ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija para sa mga Novo Ecijano na nais magtrabaho sa ibang bansa, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO katuwang ang Aquavir International Incorporated sa pagsasagawa ng isang Special Recruitment Activity.

Gaganapin ang aktibidad sa darating na July 30, 2025, simula alas-8:00 ng umaga, sa tanggapan ng Provincial PESO na matatagpuan sa Old Capitol Building, Cabanatuan City.

Inaanyayahan ang lahat ng aplikanteng interesado sa overseas employment na lumahok sa nasabing aktibidad.

Kabilang sa mga trabahong maaaring applyan sa iba’t ibang bansa ay ang sumusunod:

  • Saudi Arabia – Dental Nurse, Domestic Helper, Sales Representative, at Production Quality Control
  • United Arab Emirates (UAE), Jordan, Hong Kong, Singapore – Domestic Helper
  • Kuwait – Cleaner
  • Bahrain – Waiter/Waitress, Receptionist, Bartender, Cook/Chef, at Fitness Instructor
    •Japan – CAD Engineer, Construction Worker, at Civil Engineer

Pinapaalalahanan naman ang mga dadalo na magdala ng updated na resume, kumpletong credentials, magsuot ng maayos na kasuotan (smart casual o formal), at dumating sa takdang oras.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa official Facebook page ng Provincial PESO o magpadala ng email sa pesonuevaecija@gmail.com.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng tuluy-tuloy na programa sa trabaho ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno nina Governor Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Gil Raymond “Lemon” Umali, para sa kapakanan ng mga Novo Ecijano.