SURGICAL CARAVAN, LIBRENG OPERASYON SA MGA NOVO ECIJANO

Sa bawat karayom ng operasyon, may kasamang bagong pag-asa, gaya ng kwento ni Rowena Paulino Alejandro, isang residente ng Barangay Sta. Rita, Quezon, Nueva Ecija, na matagal nang nagtiis sa kanyang karamdaman dahil sa kakulangan sa kakayahang pinansyal.

Isa siya sa mga naging benepisyaryo ng Surgical Caravan ng Provincial Health Office (PHO), isang programang umiikot sa iba’t ibang district hospitals ng lalawigan upang magbigay ng libreng minor at major surgeries para sa mga nangangailangan.

At higit sa lahat, ang kanyang pasasalamat ay taos-puso niyang inihahatid sa mga lider ng lalawigan.

Sa kabuuan ng isinagawang Surgical Caravan sa Sto. Domingo District Hospital, 26 minor surgical cases at 1 major operation ang matagumpay na naisagawa. Kabilang sa mga minor surgeries ang pagtanggal ng cyst, lipoma, at skin tags.

Ayon kay Dr. Darwin S. Panahon, Chief of Hospital ng Sto. Domingo District Hospital, layunin ng Surgical Caravan na maabot ang mga pasyenteng matagal nang may iniindang sakit ngunit walang kakayahang pinansyal.

Ang Surgical Caravan ay suportado rin ng mga Chief of Hospital mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan:

Nagpasalamat si Dr. Panahon sa mga lider ng lalawigan para sa tuloy-tuloy na suporta.