TAGA-HANGA NI VICE GOVERNOR DOC. ANTHONY UMALI, KINAALIWAN SA KANYANG MGA CONTENTS

Maraming paraan upang maipakita natin ang ating paghanga sa ating idolo.

Gaya ni Grace Mariano Domine mula sa District 2, San Juan Accfa, Cabanatuan City na may natatanging paraan ng pagpapahayag nito sa social networking site na Facebook.

Sa kanyang mga viral videos, makikitang kinakausap niya ang tarpaulin ni Vice Governor Doc. Anthony Umali na tila kanyang kabiyak.

Pumalo na sa hundred thousand views ang iba niyang video, at isa na rito ang eksena kung saan pinapagalitan niya si Doc. Anthony dahil ‘late’ na itong umuwi at inuuna pa ang pagsisilbi sa kanyang nasasakupan.

May mga eksena pa kung saan nagtatampo si Grace dahil ubos na raw ang kanilang bigas sa dami ng tinutulungan ni Doc. Anthony sa programang rice distribution ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Dahil dito, humantong siya sa pagsumbong kay Former Governor at Congresswoman Cherry Umali, na tinatawag naman niyang “Mareng Cherry.”

Naiinggit na raw kasi siya sa samahan nina Ma’am Cherry at asawa nitong si Governor Oyie Umali.

Aminado si Grace na matagal na niyang ‘super crush’ si Doc. Anthony, kaya ginagawa niya ang mga content na ito sa tulong din ng kanyang mga anak, pinsan, at kaibigan na kumukuha sa kanya ng mga videos.

Hinihingi rin umano niya sa kanyang mga pinsan at kapitbahay ang mga tarpaulin nina Doc. Anthony at Ma’am Cherry na siya niyang ginagamit sa kanyang contents.

Maraming netizens naman ang naaaliw sa kanyang mga videos, at may ilan pang nag-request na gawing serye ang kanyang mga kwento.

Hiling ngayon ni Grace, sana umano ay makaharap na niya sa personal ang kanyang No. 1 idol na si Vice Governor Doc. Anthony Umali.