TALENTO, MGA KARANASAN, SANDATA NG BATANG PASTOR SA PAGLILINGKOD SA PANGINOON
Patuloy na ginagamit ng isang batang Pastor ang kanyang talentong nagmula Sa Panginoon upang ang mabuting balita ay maipahayag sa ibang tao.
Ibinahagi ni Pastor Carl Pascua sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ang kanyang mga karanasan at ang katapatan at pag-ibig Ng Panginoon.
Bago naging Pastor at makakilala Sa Panginoon, ay naging isa siyang scholar na nagsumikap upang makapagtapos ng pag-aaral.
Dahil mahilig mag-tanghal, ay palagi umano siyang sumasali sa mga kumpetisyon at dahil sa kagustuhan niyang mapabilib ang mga tao ay nagtungo siya sa Maynila upang doon mag-aral, at para makapasok sa isang unibersidad ay sumama siya sa isang organisasyon na taliwas sa batas ang gawain na naging dahilan kaya naranasan niyang mahuli ng mga pulis.
Sanhi ng napahiya sa maraming tao, ay inakala niyang ito na ang kanyang pagbagsak, ngunit kalaunan ay ito pala ang naging paraan upang mapalapit siya Sa Panginoon.
Kwento pa ni Pastor, nakapagtapos siya ng Secondary Education Major in English at inakala niyang nasa pagtuturo na siya habang buhay, ngunit nagising na lamang siya na iba na ang hinahanap ng puso niya at ito ang tungkulin na paglilingkod sa Panginoon.
Maliban sa pagiging anim na taong Pastor, ay anim na taon na rin aniya siyang host ng mga events at ang kinikita niya rito ay inilalaan din niya upang makatulong sa mga gastusin at pangangailangan ng kanilang independent church na “ChosenGen” na matatagpuan sa Cabanatuan City.

