TAMANG PAGKONTROL SA PERA NI NANAY AT TATAY

Magandang araw mga mars! Ako si Star Rodriguez—Piccio at samahan niyo ako sa panibagong episode ng “Beauty, Health at iba pang Tips”!

Ibinahagi ng kumpanyang Discover Financial Services, Inc. ang ilang mga impormasyon at tips hinggil sa pagbabadyet para makatipid sa gastusing pampamilya. Narito ang mga dapat tandaan sa pagtitipid ng pera:

Una, focus on food costs.
Ang pag-iisip kung paano makatipid ng pera habang nagpapalaki ng isang pamilya ay maaaring mukhang mahirap kapag ang iyong mga babayarin ay talaga namang ‘abot-langit’. Kung linggo-linggo kang nagpaplano ng pagkain, iayos ang iyong listahan batay sa kakayahan ng bulsa, huwag basta kuha lang nang kuha, bili lang nang bili, pumili nang mabuti. Maaari ring magsagawa muna ng pagsusuri o research mula sa mga presyo ng pagkain online at mula rito ay maaaring pagkumparahin ang mga produkto batay sa presyo nito.

Pangalawa, keep birthdays simple.
Sabi nga ng isang direktor sa financial planning at a wealth advisory firm sa California, “Emphasis should be on making memories, not spending money”. Bigyang-pansin ang pamimili ng bisita. Dito nakabase kung gaano kaliit ang gastusin. Maaaring magsagawa na lamang ng isang overnight party. Nakatipid ka na, nagkaroon pa kayo ng oras kasama ang inyong pamilya o kaibigan. Memorable pa rin, hindi ba?

Pangatlo, give secondhand a chance.
Ang pagbili ng mga bagong damit at sapatos ng mga bata ay maaaring isang pagkakamali at pag-aaksaya ng pera. Ukay-ukay! Mas abot kaya! Kung ang goal mo ay makatipid, ang pagbili sa ukay-ukay at iba pang thrift store ay isang tip para makatipid. Aanhin mo naman ang mahal na damit kung wala kang makain ang kapalit?

Panghuli, talk budgeting and saving with your kids.
Ang pag-aaral kung paano magtipid habang nagpapalaki ng pamilya ay hindi lamang para sa mga nanay at tatay. Maaari mo ring isali ang mga bata sa pamamagitan ng regular na pakikipag-usap sa kanila tungkol sa badyet. Maaari mong banggitin ang mga pangunahing kaalaman sa paggastos at pag-iipon.

Palaging isaalang-alang ang mga paraan upang makatipid ng pera kaya ito ang ‘tipid tips’ para sa’yo!