BABALA! SENSITIBONG BALITA:
TATLONG CARNAPPER, ARESTADO SA SAN LEONARDO NUEVA ECIJA

Nagresulta ang hot pursuit operation na isinagawa ng Nueva Ecija Police Highway Patrol Team (NE-PHPT), San Leonardo at Santa Rosa Police Stations sa pagkakaaresto sa tatlong (3) suspek sa carnapping incident na naganap noong August 6, 2025 sa parking lot ng Nueva Ecija Medical Center sa Brgy. San Anton, San Leonardo, Nueva Ecija.

Base sa report ng PIO-NEPPO, naitakas ng mga suspek ang naka-park na red-and-black Suzuki Raider 150 Fi motorcycle ng biktimang isang 23-year-old na lalaking promo dicer na residente ng Brgy. Tambo Adorable, San Leonardo.

3:45 PM ng araw ding iyon, nang maglunsad ng operation ang mga awtoridad na humantong nga sa pagkakaaresto ng mga suspek na kinilalang:

isang bente-anyos na solar panel installer mula sa Brgy. Soledad, Santa Rosa; isang 30 years old na tricycle driver mula sa MalacaƱang, Santa Rosa; at isang edad trentay singko na tricycle driver mula sa Brgy. Aduas Sur, Cabanatuan City.

Natunton at nadakip umano ang mga suspek sa Purok 4, Sitio Kaingin, Brgy. Sumacab Norte, Cabanatuan City, at nabawi ang ninakaw na motorsiklo.