BABALA! SENSITIBONG BALITA!

TATLONG MAGKAKA-BARANGAY SA BALOC, HULI SA ILLEGAL NA PUSOY

Huli sa aktong illegal na nagsusugal ang tatlong katao sa isinagawang anti-criminality operations ng kapulisan noong November 4, 2024.

Base sa report ng Sto. Domingo Police Station, inaresto ang tatlong suspek dahil sa illegal na paglalaro ng pusoy sa Barangay Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Nakumpiska umano mula sa mga ito ang mga baraha at Php1,905.00 na perang ipinangtaya sa pagsusugal.