Naaresto sa isinagawang anti-criminality operations ng Nueva Ecija Provincial Police ang tatlong Most Wanted Persons mula sa iba’t ibang lugar January 29, 2024.
Kinilala ang mga suspek na sina REYNALDO MACTAL y Sangguyo, 47 years old, Most Wanted Person sa Gapan City dahil sa Violation of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) walang inirekomendang pyansa;
CHRISTOPHER MATIAS y De Guzman, bente uno anyos, Number 1 Municipal Most Wanted sa Pantabangan, para sa two (2) counts of Lascivious Conduct na may piyansang Php400,000.00;
at JOEY MARIANO y Antolin, 35, Number 7 Municipal Most Wanted Person sa Guimba, dahil sa three (3) counts of Estafa na may pyansang Php9,000.00.
Ayon kay NEPPO Director PCOL Richard Caballero, ang tatlo ay nadakip ng Gapan, Guimba, and Pantabangan Police Stations.
Patuloy aniyang tutugisin ang mga personalidad na banta sa lalawigan alinsunod sa direktiba ni Police Regional Director Jose Hidalgo Jr. na paigtingin ang operations ng kapulisan sa rehiyon.

