BABALA! SENSITIBONG BALITA:

TATTOO ARTIST, NADAKIP SA RAID SA CARRANGLAN

Arestado ang isang 39-year-old tattoo artist sa inilunsad na raid sa bayan ng Carranglan noong November 25, 2024.

Base sa report ng PIO-NEPPO, 11:10 AM, nang sumalakay ang mga pulis sa Barangay Bantug sa bisa ng Search Warrant na inisyu ng RTC Branch 122 ng San Jose City.

Nakuhanan umano ang suspek ng isang Cal. 38 revolver na kargado ng limang bala kaya dinakip ito at nahaharap sa kasong Violation of RA 10591, The Comprehensive Firearms and ammunition regulation Act.