TESDA KATUWANG ANG PROVINCIAL PESO, MAGKATUWANG SA LIBRENG TRAININGS PARA SA MGA NOVO ECIJANO

Patuloy na nakikipagtutulungan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Nueva Ecija Provincial Public Employment Service Office (PESO) upang makapaghatid ng libreng skill training program para sa mga Novo Ecijano.

Kabilang na ang isinagawang training na bread and pastries production NCII, kung saan tinuruan ang mga TESDA scholars na gumawa ng tinapay, pizza, cake at iba pang pastries na makakatulong sa kanila upang magkaroon ng pagkakakitaan o negosyong pangkabuhayan.

Prayoridad Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamamagitan ng PESO na mabigyan ng training ang mga OFW, out of school youth, single parents at ang mga mamamayan na labis na nangangailangan ng hanapbuhay.

Bukod sa NCII ay makakatanggap din ng libreng oven at tool kits ang mga scholars na kanilang magagamit sa pagsisimula ng negosyo.

Ayon sa mga scholars, malaking tulong ang libreng training kaya naman labis ang kanilang pasasalamat sa Kapitolyo sa ilalim ng pamumuno ni Governor Aurelio Umali.