TESDAMAN, PINAYUHAN ANG MGA NAGSIPAGTAPOS SA NEUST NA HUWAG SUSUKO PARA MAABOT ANG MGA PANGARAP
Ang makapagtapos sa pag-aaral ang unang hakbang para sa mga Filipino upang mai-angat ang pamumuhay. Kaya naman pinayuhang huwag susuko ni Senator Joel Villanueva na tinaguariang “TESDAMAN” ng bansa ang mga nagsipagtapos sa 113th Degree and 129th Non-Degree Commencement Exercises ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST), Sumacab Campus, hanggang sa maabot nila ang kanilang mga pangarap.
Si Senator Villanueva ay dating member ng NEUST Board of Regents. Siya ay dumalo bilang Commencement Speaker ng halos 1,000 graduates mula sa College of Management and Business Technology, College of Architecture, College of Arts and Sciences, at College of Public Administration and Disaster Management.
Ginawaran rin siya ng Doctor of Philosophy in Public Administration, Honoris Causa, bilang pagkilala ng NEUST sa 23 taon niyang paglilingkod sa bayan.
Si Villanueva ay author at co-author ng 300 batas kabilang na ang Republic Act no. 11509 o ang Doktor Para Sa Bayan Act na naglalayong magbigay ng libreng tuition Fee, books, supplies, and equipment, uniforms, transportation allowance, dormitory and Internship Fees, Medical Board Review and Licensure Fees.
Ang Doktor para sa Bayan Act ay nilagdaan at naisabatas noong December 23, 2020 sa panahon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kung saan ang Kongreso ay naglaan ng mahigit P1 bilyon para sa Commission on Higher Education (CHED) at Department of Health upang madagdagan ang mga scholarship slots para sa mga aspiring doctor’s (libreng pag aaral sa pagdodoktor na susuporthan ng gobyerno)
Bunga ng naturang batas ay libre na ang pag-aaral ng Medisina sa sa Bulacan State University – San Rafael Campus at ngayong First Semester of Academic Year 2025–2026 ay magbubukas na ang College of Medicine sa NEUST.

