Kinagiliwan ng mga netizen ang video na inupload ni Kriz sa kanyang tiktok account kung saan makikitang feel na feel niya ang paglalakad sa hagdan ng Novo na isang mall sa Lipa, Batangas, na napupuno ng mga dekorasyong bulaklak.

Pakiramdam daw kasi niya ay ikakasal siya dahil tulad ng setup sa isang kasal ay nakahilera ang iba’t ibang kulay at naggagandahang mga bulaklak.

Ayon sa kanyang post “nakakaiyak pala talaga ang feeling”, kaya naman pinusuan yan ng mga netizen.

May iba na nakisabay din sa trip ni kriz at nagcongratulate at nagsabi ng best wishes sa kanya na sinagot naman niya ng “thank you, sa bandang counter ang reception” at may sumagot uli na nagsabing “kala ko sa foodcourt”.

Marami naman ang nag-akalang kuha ang video sa branch ng Novo sa kanilang mga lugar dahil ganun din daw karami ang mga bulaklak na nakapalibot doon.

Umabot na sa 5.3 million views ang naturang video sa tiktok, may mahigit 715k reactions, at mahigit 26k shares.