Magandang araw! Ako si Cyrille Tolentino, at ako ang magiging gabay ninyo ngayon sa espesyal na paglalakbay natin sa mundo ng tilapia farming dito sa Central Luzon State University!

Bilang estudyante ng CLSU, damang-dama at kitang-kita ko ang dedikasyon ng aking unibersidad sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapaunlad ng aming komunidad.

Kung hindi niyo pa man alam, ang CLSU ay isa sa mga tinitingalang institusyon sa Pilipinas na patuloy na nagsasaliksik ng mga iba’t ibang paraan upang makamtan ang sustainable future.

Isa na nga riyaan ang produktong Tilading na matatagpuan dito sa College of Fisheries.

Pero bago iyon, syempre, fun fact! Alam niyo ba na ang tilapia ay tinatawag ding “aquatic chicken” at “the food fish of the 21st century”?

Ito ay dahil sa kanyang adaptability at mataas na nutritional value. Sa Pilipinas, ito ay tinaguriang isa sa mga mahahalagang bahagi ng ating pagkain at ekonomiya.

Sa kasalukuyan, ang TilaDing ay mabibili dito sa College of Fisheries, Freshwater Aquaculture Center ng CLSU. Pero, maaaring sa hinaharap ay magkaroon ito ng mas malawak na distribusyon upang mas marami pang Pilipino ang makatikim nito.