BABALA! SENSITIBONG BALITA:
TINDERO NG CHICKEN NUGGETS, KULONG SA PAGBEBENTA NG DROGA SA SAN LEONARDO
Himas rehas ang isang kilalang drug pusher na pinaniniwalaang pangunahing pinagmumulan ng ilegal na droga sa San Leonardo Nueva Ecija.
Naaresto ang suspek na si alias BOSS TAN, lalaki, 34 years old sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Offices sa Nueva at Aurora, at PNP Provincial Drug Enforcement Unit bandang 4:30 pm sa Barangay Tabuating noong July 22, 2025.
Nakuha umano sa suspek ang anim (6) na piraso ng plastic transparent sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 30 grams ng shabu at ang marked money na ginamit ng undercover agent.
Ayon sa PDEA, matagal nang nasa kanilang radar si BOSS TAN simula pa noong 2024; gayunpaman, ang nakakaiwas ito sa awtoridad dahil itinatago niya ang kanyang mga ilegal na gawain sa pamamagitan ng pagbebenta ng chicken nugget.
Pansamantalang idenetine ang suspek sa PDEA Regional Office 3 Jail Facility sa San Fernando City, Pampanga na nahaharap sa kasong paglabag ng seksyon 5 (pagbebenta ng mga mapanganib na droga) ng Republic Act 9165 na walang piyansa.

