TIPS PARA MAIWASAN ANG CHISMIS AT NANGGIGITATANG MUKHA
Hi mga mars, I’m Star Rodriguez-Piccio for Beauty, Health at iba pang tips. Nakakastress ang init ng panahon at hindi nakaka-pretty ang nanggigitatang mukha. Kaya alamin natin ngayon ang dapat na gawin para no more nagmamantikang face this summer.
Ayon na nga mga mars! Ayon sa isang derma expert na si Dr. Jean Marquez, normal lang naman daw ang pagproduce ng oil ng ating katawan. Pero ang oiliness ay pwede ding mag cause ng chismis sa ating mukha. Sabi nga “too much oiliness is next to ugliness”. Syempre ayaw natin yon mga mars!
Alam niyo ba na ang oiliness ng ating face ay maaaring cause ng stress at puyat? Yes! At stress is everywhere diba mga mars!? Kaya kailangan nating namili ng product na bagay sa ating oily skin.
Kaya itake note n’yo ‘to mga mars!
Big no no ang paggamit ng mga matatapang na products tulad ng bareta dahil mapapa-dry naman nito ang ating mukha.
Kung kaya ng inyong bulsa at gusto ng mabilisang effect, may mga product at treatment na inooffer sa mga dematologist.
Pero kung nagtitipid ka mars, pwedeng gawing routine ang paghihilamos ng dalawa hanggang tatlong beses gamit lang ang mild soap na hiyang ng iyong mukha.
At syempre mars wag kakalimutan ang tamang diet. Makatutulong ang pagkain ng mga pagkaing may mataas na fiber tulad ng prutas at gulay. Healty living, healty skin.

