TITULO NG ORDINANSA SA PAGPAPAHALAGA SA MGA KAGAMITAN AT KASUOTAN NG MGA KATUTUBO, APRUBADO NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG NUEVA ECIJA
Inaprubahan sa ika-tatlumpo’t isang regular na sesyon ng Sanggunian Panlalawigan ang titulo ng panukalang “Ordinansa sa Mahigpit na Pagbabawal sa Di-Katutubo na Gamitin sa Anumang Pagtatanghal ang Kanilang Kasuotan, mga Kagamitan, Lalo’t Ito ay Walang Pahintulot mula sa Lupon ng mga Katandaan (Council Of Elders)”.
Ayon sa may akda nito na si IPMR (Indigenous People’s Mandatory Representative) Board Member Emmanuel B. Domingo, layunin nito na bigyan ng babala ang sinuman na bawal gamitin ang kagamitan at kasuotan ng mga katutubong pamayanan na kinabibilangan ng labing dalawang etniko lingguistiko sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Paliwanag nito na sagrado ang mga kagamitan ng mga katutubo kaya silang may-ari lamang ang may karapatan na gumamit at magsuot ng mga ito.

