Sa gitna ng masayang pagdiriwang sana ng Kapaskuhan, nauwi sa trahedya ang pagbisita ng Pinay na si Marvil Facturan-Kocjancic sa Slovenia matapos siyang matagpuang patay at tadtad ng saksak.
Ang itinuturong suspek, ang kaniyang mismong asawa.
Nakipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Embassy sa Vienna kaya mabilis na naiuwi ang mga labi ni Marvil sa Pilipinas, pagkatapos ng forensic procedure ng Slovenian authorities.
Disyembre 22, 2024 nang lumipad si Marvil patungong Slovenia upang samahan ang kaniyang asawang si Mitja Kocjancic, na nakilala niya lamang sa social media noong Pebrero 2024. Makalipas ang ilang buwan, nagpakasal ang dalawa noong Hulyo 29, 2024—isang pag-iibigan na mabilis na umusbong.
Ngunit, New Year’s Eve, alas-6:30 ng gabi, isang tawag mula sa Philippine Embassy sa Austria ang nagpabaligtad sa mundo ni Vilma Pila, ina ng biktima. Ipinabatid sa kaniya ang sinapit ng anak.
Kinumpirma ng DFA na bago mangyari ang krimen, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Marvil at ang kaniyang asawa. Wala raw indikasyon na may kinalaman ito sa insurance o anumang financial na motibo.
“Hindi ito insurance scam.
Ayon sa report, nag-away sila at nagtamo siya ng maraming saksak,” pahayag ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega.
Ang suspek na si Kocjancic ay inilipat ng mga awtoridad sa isang mental institution dahil umano sa mental health condition. Dahil dito, nangangamba ang pamilya na posibleng makaiwas ito sa kulungan at manatili na lamang sa mental facility.
Hindi matanggap ng ina ang balita. Sa mga panayam, inalala ni Vilma kung gaano kabait at kagalang si Mitja noong una nila itong nakilala.
“Wala akong nakitang masama sa ugali niya,” ani Vilma, na aminadong wala ring nasabi si Marvil tungkol sa problema sa kanilang pagsasama. Sa katunayan, tinulungan pa raw ni Mitja ang kaniyang anak na makahanap ng trabaho sa Slovenia, na pangarap daw ito ni Marvil.
“Ang saya-saya nila sa mga post… kaya nagtaka ako kung bakit nagkaganito,” sabi niya habang umiiyak.
Panawagan niya na sana’y makulong ang suspek sakaling mapatunayan g siya nga ang pumatay kay Marvil.