TULAY: ANG BUHAY NG SITIO OBITO

Bago tuluyang matunton ang sitio Obitio sa barangay San Agustin, kinakailangan munang tahakin daan na ito patungo sa bayan ng Carranglan bago tuluyang makarating sa lugar.

Dito sa hanging bridge na ito araw-araw na tumutulay ang mga residente ng Sitio Obito at sa ilog naman na ito dati itinatawid ang mga traysikel sakay-sakay ng mga balsa na gawa sa mga bayog. Ganito ang pang-araw-araw na gawi ng mga taga-sitio Obito, barangay San Agustin upang makatawid mula sa kanilang Sitio papunta sa bayan, karamihan kasi sa mga naninirahan dito ay kailangang makatawid ng ilog upang makapagtrabaho at ang iba ay makapasok sa kanilang paaralan.

Ganito ang sitwasyon kapag tumatawid ang mga residente sa hanging bridge, single na motor lamang ang nakatatawid sa tulay na ito, hindi alintana ang panganib na maaring mangyari kung sakaling bumigay ang tulay. Simula naman nang maanod ang mga balsa noong nagdaang bagyong Kristine at dahil tag-araw din ngayon hindi na kalakasan ang agos ng ilog, hindi na kailangan mangamba na baka lumubog ang balsa bago maitawid sa kabila ang kani-kanilang mga traysikel. Ganito na ang sitwasyon ngayon kapag tumatawid ang mga traysikel sa ilog upang makapasok sa trabaho at paaralan at makauwi nang ligtas sa kanilang mga tahanan.

Ganito naman ang kalagayan sa sitio pagkatapos mong tumawid sa tulay at ilog. Payapa at masaya ang pamumuhay ng mga residente dito. Malayo man sa bayan, masaya na umano sila sa ganitong buhay dahil hindi naman sila napag-iiwanan sadyang nasa pagitan lang ng ilog ang bayan at ang kanilang kubkuban.