TULAY NA NAKALUTANG SA TUBIG, IPINAGMAMALAKI SA BANSANG CHINA
Isa sa kakaibang tulay sa buong mundo ay itong Shiziguan floating bridge sa China na sa halip na nakaangat sa tubig, ito ay nakapatong mismo sa ibabaw ng tubig.
Binuksan ang ipinagmamalaking tulay na ito ng China noong May 1, 2016 na matatagpuan sa xuan’en country sa probinsiya ng Hubei.
Mas kilala ang tulay sa tawag na Long Bridge of Dreams. Isa rin ito sa mga pinakakahanga-hangang tulay sa mundo.
Ito ay gawa sa kahoy, bakal at High density polyethylene floats na may laman na tubig para lumulutang at kayang bumuhat ng 10 libong tao ng sabay sabay.
Ang mga sasakyan naman na pwede lamang dumaan dito ay may bigat na 2.8 tonelada sa maximum speed limit na 20kph para maiwasan ang pagkakaroon ng malalaking alon at maiwasan ang aksidente dito.
Nakatago ito sa loob ng magandang lugar ng Shiziguan, at napapalibutan ng malalagong berdeng kagubatan. Ang tulay na tabla na gawa sa kahoy ay dumadaloy sa gitna ng ilog.
Kilala rin ito bilang Shiziguan water highway o Shiziguan water plank road.
Ang paglalakad o pagmamaneho sa tulay ay nagbibigay sa mga tao ng kamangha-manghang sensasyon na sila ay gumagalaw sa ibabaw ng tubig. Ang mga dumaraan dito ay kailangang maging maingat at hindi dapat mabilis dahil kapag mabilis, lumalaki ang alon, at bawal din dumaan dito ang mahihiluhin dahil baka ikaw ay hihimatayin, at kapag ikaw ay mabilis, mabilis din ang paggalaw ng tulay.
Ito rin ang nag durugtong sa dalawang lugar na nararating lamang sa pamamagitan ng bangka noon. Ang tulay ay nakalutang sa Qingjiang River na may habang 500 meters at luwang na 4.5 meters at may 60 meters naman ang lalim ng ilog.
Tamang tama lamang ang tulay sa one-way na daloy ng mga sasakyan.
Isa rin ito sa delikadong tulay sa mundo dahil konting pagkakamali lang ay may tsansang mahulog sa ilog ang sasakyan gaya ng itim na van na may sakay na lima na nahulog sa ilog na binawian ng buhay. Dinarayo narin ito ng mga turista subalit mahigpit na pinag-iingat ang mga pumupunta doon.

