Sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, 1,480 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Araw-Araw na Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Palayan City ang nakatanggap ng ₱5,000 bawat isa para sa sampung araw nilang paglilinis sa kanilang barangay.
Ayon kay PESO Manager Luisa Reyes Pangilingan, ang TUPAD ay programa ng DOLE na nabuo noong 2020 upang mabigyan ang mga mamamayan ng agarang trabaho o emergency employment sa mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay o mga manggagawang nasalanta ng sakuna.
Ang pondo para sa nasabing programa ay alokasyon ni Senator Robin Padilla, katulong ang Provincial Government ng Nueva Ecija, sa pamumuno ni Gov. Oyie Umali, at mga ahensya ng gobyerno tulad ng DOLE, at PESO.
Ang mga mamamayan sa 19 na barangay ng Palayan City particular ang Atate, Aulo, Bagong Buhay, Barrio Militar, Caballero, Caimito, Doña Josefa, Ganaderia, Imelda Valley, Langka, Malate, Maligaya, Manacnac, Mapait, Marcos Village, Popolon, Santolan, Sapang Buho at Singalat ang nabahagian ng 5,000 sa naganap na TUPAD Payout sa Convention Center, Palayan City.
Kwento ni Edelina Del Rosario Dizon, isang benipisaryo, ang natanggap nitong pera ay lubos na makakatulong sakanya sa pag papacheck up nito gayundin sa pang araw araw na gastusin ng kaniyang pamilya.
Kaya naman, lubos ang pasasalamat ng mga mamamayan ng Palayan City kay Senator Robin Padilla, at sa pamahalaang panlalawigan sa programang ito at tila’y Selebrasyon talaga ng araw ng Paggawa.
Nakiisa rin sa programa ang GP Partylist na nangakong mag popondo sa susunod na AICS Distribution, at Former Governor Cherry Umali, na nag-anunsyong tuluy-tuloy ang isinasagawang Medical Mission.

