Nasukat ang tatag at tibay ng mga motorcycle riders mula sa iba’t ibang probinsiya sa 888 km endurance challenge na Twistify Tourism Expedition na isinagawa sa Pag-asa Sports Complex ng San Jose City Nueva Ecija.

Alas 10 ng gabi start na pinakawalan ang mga participants patungo sa iba’t ibang destination kung saan sila kumuha ng pictures para katunayan na nakarating sila sa nasabing lugar. Unang photo opportunity sa Quirino Experment Station sa Brahman cow, sunod ang Aguinaldo View point, palabas ng Banaue Rice Terraces, Namitpit View deck sa province ng Quirino, dumaan sa Skyline pababa ng Candon Ilocos Sur, Bessang Pass Natural monument, kung saan na enjoy ng mga riders ang nagagandahang kabundukan ng Sierra Madre.

Sa Norte nadaanan din nila ang Bayan ng Bontoc going to Sagada at Highest point, Kabayan Marker palabas ng Aritao Nueva Vizcaya, marker ng agila sa boundary ng Umingan Pangasinan pabalik ng San Jose City sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa mag partner at organizer ng Twistify na sina Karen Vargas at Kevin Gonzales, ang Tourism Expedition na ito ay isang Charity event para makalikom ng pondo para matulungan ang mga batang mag-aaral lalo na ang mga batang katutubo na walang kakayahan na bumili ng mga gamit sa eskwela lalo sa pasukan.

Isa sa mga alituntunin para makasali sa expedition bawat riders na participant bago mag register ay pinagdala ng school supply na donation para sa mga mag-aaral.

Nagpapasalamat ang mga organizer sa Provincial Goverment of Nueva Ecija sa malaking tulong sa nasabing event na nagkaloob ng mga school supply at sa pagpapadala ng Mobile Kucina para sa mga participants na mga riders.