UNANG LUHA, MILYONG TAGAHANGA: BERN MARZAN, NAGPAPAULAN NG EMOSYON SA MUNDO NG ORIGINAL PINOY MUSIC
Mula sa simpleng videoke sessions sa bayan ng Llanera, Nueva Ecija, ngayon ay tinatangkilik na sa buong bansa, si Bern Marzan, isang rising singer-songwriter, ay patuloy na nagpaparamdam ng kanyang presensya sa industriya ng Original Pilipino Music (OPM).
Hindi basta pangkaraniwang tinig, dala ni Marzan ang kanyang sariling tunog at damdamin sa bawat awitin.
Noon ay tagahanga lang siya ng mga sikat na kanta, ngayon, sarili na niyang komposisyon ang pinakikinggan ng milyon-milyon.
Isa sa mga naging inspirasyon niya ay ang yumaong OPM icon at kaibigan niyang si April Boy Regino.
Bagamat magkaiba sila ng estilo, natutunan ni Marzan sa kanya na walang imposible sa taong determinado at may tiyaga, at sa kanya din siya humugot ng ideya sa paglikha ng sarili niyang musika.
Simula noong 2022, sunod-sunod ang inilabas niyang mga orihinal na kanta, kabilang na ang viral hit na “Ang Unang Luha,” na umabot sa 5.9 million views sa social media at 7.7 million views sa YouTube.
Dahil sa matagumpay niyang online presence, naimbitahan si Marzan sa mahigit 40 lungsod sa Luzon, Visayas, at Mindanao, at isa sa pinakamemorable niyang performance ay ang pag-awit sa harap ng 20,000 manunuod sa Valencia, Bukidnon noong Pebrero 24.
Sa ngayon, may 34 orihinal na kanta na si Bern sa iba’t ibang streaming platforms tulad ng Spotify at patuloy siyang gumagawa ng musika na kumakatawan sa kwento ng bawat Pilipino.
Ibinahagi rin niya kung paano niya hinaharap ang kaba sa entablado at binigyan ng inspirasyon ang mga bagong musikero.
May mensahe rin si Marzan sa mga aspiring singers o artist na nagsisimula pa lamang s larangan ng musika.
Ibinahagi rin niya ang kanyang mga upcoming shows sa iba’t ibang lugar.
At bilang pa-sample, inawit niya ang kanyang hit na “Unang Luha,” na muling nagpaluha sa mga tagapanood.

