UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES CHAMPION SA UAAP SEASON 87 MEN’S BASKETBALL
Naiuwi ng UP Fighting Maroon o University of the Philippines (UP) ang kampeonato matapos maipanalo ang makapigil-hiningang Game 3 laban sa De La Salle University para sa UAAP Season 87 Men’s Basketball noong Linggo.
Pinuno ng mga fans na umabot sa 25,248 ang Smart Araneta Coliseum, kung saan naitala ng UP ang tagumpay nila sa iskor na 66-62.
Sa Game 1 ng finals, tinalo ng UP ang La Salle sa iskor na 73-65. Nakabawi naman ang La Salle sa iskor na 76-75 sa Game 2 para mahatak ang serye sa Game 3.
Pinamunuan ni Cagulangan ang Fighting Maroons sa tinipang 12 points kaya nakuhang kumpletuhin ang huling taon sa liga na bitbit ang kampeonato at tanghaling Final’s MVP.
Sinandigan na ito ng Fighting Maroons tungo sa pagbawi sa korona na huling napanalunan noong 2022 upang tapusin ang tatlumpo at anim na taong pagkauhaw sa korona noon pang 1986.
Ang korona ay pangalawa na ng UP sa nakalipas na apat na taon at pumutol sa dalawang sunod na kabiguan sa finals na una sa Ateneo De Manila at sa kamay ng Green Arechers sa nakaraang taon.
Matatandaan noong nakaraang taon ay umabot din sa Game 3 ang laban ng UP Fighting Maroon laban sa Green Archers na La Salle para makuha ng La Salle ang UAAP 86Th season.
Pero pinatunayan ng UP na handa na silang rumesbak sa La Salle para makuha ngayong taon ang kampeonato.

