USAPANG KAHALAGAHAN NG BITAMINA SA ATING KATAWAN

Hi mga Mars, it’s me again Star Rodriguez-Picco. Madalas nating naririnig sa mga bata o matatanda ang mga salitang “Ayoko ng vitamins, nakakaantok yan”, “ayoko ng vitamins, mas lalo akong tataba dyan”. Ngunit alam nga ba natin ang kahalagahan ng pag-inom ng vitamins araw- araw? Halina’t ating pag-usapan yan dito sa bagong episode ng beauty, health at iba pang tips.

Tungkulin ng vitamins na magbigay ng mahahalagang sustansya na maaaring kulang ang ating katawan. Maganda at kapakipakinabang ang mga multivitamins para sa atin.

Mula sa Daily News Podcast o NDTV, Mayroon itong ilang benepisyo kung saan ito ay nagbibigay ng Nutrients supplementation o pagbibigay ng sapat na bitamina at mineral na maaaring makatulong sa atin sa pang araw-araw.

  1. Overall health support, kung saan ito ay nakakatulong sa pag function ng ating metabolismo, malakas na immune system, at maaari ring pagmulan ng enerhiya.
  2. Improved energy level ang pinakamabisang halimbawa nito ay ang vitamin B- Complex kung saan ito ay sumusuporta upang mas lumakas ang ating katawan at maiwasan ang Fatigue.
  3. Immune system support, kagaya na lamang ng Vitamin C at D na pampalakas ng ating immune system o mabisang panangga sa impeksyon at sakit.
  4. Antioxidant protection, maraming multivitamins ang naglalaman ng antioxidant tulad ng vitamin A, C at E na tumutulong sa pag- neutralize ng free radicals sa ating katawan na pumuprotekta sa maaring pagkasira ng ating cells.
  5. Bone Health mainam ang vitamin na may calcium at magnesium sa ating mga buto ambag nito na mas mapatibay at mapanatili ang tatag nito.
  6. Cardiovascular health ang pinagsamang vitamin b at antioxidant ay nakakatulong sa pagpapanatiling malusog ang puso at maging ng mga daluyan nito.

Ilan lamang ito sa mga benepisyo na naidudulot ng paginom ng vitamins araw-araw. Katuwang ng mga pagkain ang bitamina na magbigay sustansya at sigla sa ating katawan. Ugaliin ang pag inom ng vitamins dahil sa mga benepisypo na dulot nito.