UTANG NG AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES SA ILOCOS, BURADO SA KAUNA-UNAHANG PAMAMAHAGI NG CERTIFICATES OF CONDONATION

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong pinansyal at agricultural inputs sa mga magsasaka at mangingisda sa Pangasinan.

Kasabay nito, ay ipinamahagi rin niya ang kauna-unahang Certificates of Condonation with Release of Mortgage bilang pagpapatupad sa R.A No. 11953 o New Agrarian Emancipation Act.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Marcos ang batas na ito noong July 7, 2023, na nagbubura sa lahat ng utang, kabilang ang mga interes, multa, at surcharge, na nakuha ng mga ARBs mula sa lupang ipinagkaloob sa ilalim ng PD 27, RA 6657, at RA 9700.

Ayon sa Pangulo, ang mga certificates ay simbolo rin ng pagtupad ng pangako ng pamahalaan na burahin ang mga utang ng ARBs.

May kabuuang 3,558 ang mga ARBs sa Rehiyon ng Ilocos ang napalaya sa pagbabayad sa halos P51-Million amortization para sa higit dalawampo’t walong metro kwadrado ng lupa, kasunod ng paglagda ng COCROM.

Maliban dito, nagbahagi rin si Pangulong Marcos ng P339.54 million na tulong pinansyal, serbisyo, at programa sa mahigit 10,000 magsasaka, mangingisda, at kanilang mga pamilya na apektado ng El Niño phenomenon.