Sa nalalapit na Valentine’s Day 2026, naghanda ng mas pinatamis na selebrasyon ang Hotel Sogo Cabanatuan para sa kanilang mga bisita.
Tampok ngayong taon ang libreng KitKat chocolate treat at 33% discount card na may barcode bilang espesyal na sorpresa sa mga magche-check-in sa February 14.
Bukod dito, may Valentine’s food promo at libreng Valentine’s mug para sa mga oorder ng hindi bababa sa P600 na pagkain.
Ayon kay Eric Santillan, branch manager ng Hotel Sogo sa Cabanatuan, maaga pa lamang ay nakahanda na ang lahat ng kuwarto at may 24-hour security at staff na maaaring tawagan anumang oras upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga guests.
Dagdag pa ni Santillan, may mga theme rooms at jacuzzi rooms na maaaring i-avail sa abot-kayang presyong nagsisimula sa P290, habang P495 naman ang overnight promo.
Samantala, matatagpuan ang Hotel Sogo Cabanatuan sa Maharlika Highway, Barangay San Juan Accfa, Cabanatuan City, at maaari ring tumawag sa numerong 0985-164-5364 para sa inquiries at reservation.

