Simula Marso, ipatutupad na ang VAT-free water bills sa City of San Fernando, Pampanga (CSFP).
Ayon kay Mayor Vilma Caluag, hindi na sisingilin ang 12% Value-Added Tax o VAT sa buwanang water bills ng mga Fernandinos.
Inanunsyo ito ng alkalde sa kanyang public address noong February 14, 2026.
Ayon sa kanya, ramdam ng pamahalaan ang araw-araw na hirap ng mga residente.
Kaya layunin umano ng hakbang na ito na mabawasan ang gastusin ng bawat pamilya.
Dahil dito, nagtulungan ang legislative at executive offices kasama ang San Fernando Water District upang alisin ang buwis.
Bukod sa pagpapatupad ng VAT-free water bills, magkakaroon din ng refund ang mga residente.
Sakop ng refund ang VAT na nakolekta mula November 17, 2025 hanggang February 2026.
Ibig sabihin, ibabalik nang buo ang 12 percent VAT na naidagdag sa water bills sa panahong iyon.
Gayunpaman, hinihintay pa ang kumpletong detalye kung paano at kailan ibibigay ang refund.
Ayon sa alkalde, sisiguraduhin ng lokal na pamahalaan na maayos at malinaw ang proseso.

