Inihayag ni Vice Governor Anthony Umali sa naganap na 17th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan na siya ay nahalal bilang Regional Chairman ng Boy Scout of the Philippines sa Central Luzon.
Itinanghal din siya bilang Outstanding Council Chairman ng BSP sa buong Pilipinas.
Ayon kay Vice Governor Anthony, labing lima silang naglaban sa naturang parangal kung saan ikinagagalak niya na siya ang napili.
Nakatakda namang manumpa sa kanyang pagiging Regional Chairman at Outstanding Council Chairman ang bise gobernador sa Zamboanga City.
Nagpahatid naman ng pagbati ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan para sa karangalang nakuha ng Nueva Ecija dahil sa pangalawang ama ng lalawigan.
Ang 2024 Search for the Most Outstanding Council Chairman ay naging bukas para sa mga halal na Council Chairperson mula sa lahat ng Local Councils sa buong Pilipinas na nagpamalas ng pambihira at natatanging pagganap sa kanilang mga tungkulin para sa implementasyon at pangangasiwa sa Scouting programs, projects and activities para sa 2023 na nagbigay ng kontribusyon para makamit ang BSP’s Key Strategic Priorities na nakasaad sa BSP Performance Evaluation Scorecard.
Matatandaan na taong 2021 nang pormal na manumpa bilang council chairman ng Nueva Ecija-Boy Scout of the Philippines si Vice Governor Anthony na nanguna sa iba’t ibang mga aktibidad para sa paghubog at paggabay sa mga kabataang Novo Ecijano.

