Katotohanan sa Likod ng Tesla Hoverbike sa Dubai
Kumakalat ngayon sa social media ang mga video ng isang Tesla hoverbike sa Dubai na may kakayahang lumipad.
Sa video makikita ang rider na nakasuot pa tradisyunal na kasuotan ng mga Arabo.
Marami ang namangha sa futuristic na disenyo nito, ngunit, lumabas sa mga ulat na ang video na ito ay hindi totoo.
Purong Computer-Generated Imagery (CGI) o AI-generated fan art lamang umano ang nasabing produkto.
Sa katunayan, walang inilabas na opisyal na prototype o produkto ang Tesla company ni Elon Musk na may kakayahang lumipad.
Dahil dito, mahalagang maging mapanuri sa mga napapanood online lalo na kung ito ay mukhang imposible sa kasalukuyang panahon.
Nananatiling digital fiction lang ang Tesla hoverbike at hindi pa ito mabibili sa merkado.
Teknolohiya at ang Tesla Hoverbike sa Dubai
Bagama’t peke ang viral Tesla bike, mayroon talagang ginagamit na totoong hoverbike ang mga pulis sa Dubai ngayon.
Sinusubukan na nila ang Hoversurf Scorpion-3, isang eVTOL craft na kayang lumipad ng hanggang limang metro mula sa lupa.
Bukod dito, inaasahan din ang paglulunsad ng mga flying taxi mula sa Joby Aviation bago matapos ang taong 2026.
Mga Totoong Proyekto ng Tesla sa UAE
Sa kabilang banda, abala ang Tesla sa pag-deliver ng kanilang mga sikat na Cybertruck sa Al Marmoom desert.
Gayunpaman, ang mga tunay na sasakyan ng Tesla sa kalsada ay nananatiling nakatapak sa lupa at hindi pa lumilipad.

