VIVENCIO SAULONG: ANG STUDENT-GUERILLA NG CLSU NOONG WORLD WAR II
Taong 1939 nagsimula ang World War II at natapos noong 1945.
Sumalakay ang Alemanya sa Poland noong September 1939 at nagtapos ito sa pagkatalo ng Axis Powers–isang Samahan na kinabibilangan ng Japan noong 1945. Sa Asya, naging mahalagang bahagi ang Pilipinas sa digmaan.
December 8, 1941, sinalakay ng mga Hapones ang Pilipinas, kasabay ng Pearl Harbor attack sa Hawaii. Matapos ang matinding labanan, bumagsak ang Bataan noong April 9, 1942, na sinundan ng pagsuko ng Corregidor noong May 6.
72,000 na mga bihag ang sapilitang pinagmartsa mula Mariveles patungong San Fernando, Pampanga, kung saan tinatayang 7,000-10,000 ang namatay, kaya tinaguriang itong Bataan Death March.
Sa Pangatian Cabanatuan City, Nueva Ecija, nagtayo ang mga Hapones ng kampo para sa prisoners of war.
January 30, 1945, pinalaya ng U.S. Rangers at mga gerilyang Pilipino ang mahigit na 500 bihag sa kampo ng Cabanatuan na ginawan ng pelikulang may titulong The Great Raid.
Andito tayo sa Central Luzon State University upang kilalanin ang isang tanyag na pangalan mula sa unibersidad. Sa panahon ng digmaan, may mga pangalan at mukha na maaaring hindi natin madalas marinig ngunit ang kanilang tapang at sakripisyo ay bahagi ng ating kalayaan ngayon. Isa na rito ay si Vivencio Saulong isang bayani na hindi natakot lumaban at nag iwan ng isang pamana para sa susunod na henerasyon. Kilalanin natin ang kanyang kwento.
Tinanong namin ang mga estudyante ng CLSU kung kilala nila si Vivencio Saulong at narito ang ilan sa kanilang mga sinagot.
Ayon kay Atty. Villafria isang tipikal lamang na estudyante si Saulong ngunit nagbago ang kanyang buhay noong naplitan siyang lumaban sa mga hapones. Nagsilbi siyang estudyanteng gerilya noong sumiklab ang pananakop at isinakripisyo ang kanyang buhay para sa bayan.
Si Vivencio Saulong ay nag aral sa universidad bilang Vocational Student o High School.
Napilitan umanong manatili si Vivencio Saulong sa loob ng campus nang sumiklab ang digmaan at bumuo ng grupong gerilya ngunit hindi mga armadong grupo kundi bilang mga espiya.
Bagaman malabo kung kailan napatay si Vivencio ang malinaw ay natagpuan ang kanyang bangkay noong February 7, 1945 matapos siyang mapatay ng Japanese Sniper.
Ayon pa kay Atty. Villafria may mga naiwang alaala si Vivencio Saulong para sa mga mag aaral ng CLSU at kasaysayan. Sa katunayan siya lang ang estudyante na may libingan sa loob ng unibersidad.
Sa loob ng tahimik na silid aklatan, nakatago ang hindi mabilang na kwento ng ating nakaraan tungkol kay Vivencio.
Batay sa librong CLSU Heroes of the Century, tinarget ng mga Hapones ang Central Luzon Agricultural School noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Upang ipagtanggol ito, bumuo sina Capt. Jose C. Saddul at Principal Constancio Medrana ng Squadron 222 noong 1943—isang lihim na pwersa ng mga estudyante at guro laban sa mga mananakop.
Noong December 1944, iniwan nila ang paaralan, ngunit nagpatuloy ang kanilang laban. Ang kanilang tapang at sakripisyo ay isang pamana ng kabayanihan na mananatili magpakailanman.
Si Vivencio Saulong ay sumali sa mga rebolusyonaryong pwersa na lumaban sa pananakop ng Hapon. Noong February 6 sa kasagsagan ng labanan, nawala siya matapos ang isang matinding sagupaan. Natagpuan siyang walang buhay—may tama ng bala sa noo, malapit sa kanyang paaralan.
Si Saulong ay isa lamang sa maraming estudyanteng ipinaglaban ang paaralan at bayan. Dahil sa kanilang sakripisyo, naisalba ang CLAS mula sa tuluyang pagkawasak. Ang kanilang kagitingan ang nagbigay-daan sa pagpapatuloy ng edukasyon at pagpapatayo ng bagong mga pasilidad na pinakikinabangan ng kasalukuyan at susunod pang henerasyon.
Hinirang noong February 7, 2025 ng CLSU ang 80th anniversary ng paglaya ng Central Luzon Agricultural School at paggunita sa mga kilala at di kilalang bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa pagdiriwang dumalo ang mga opisyal ng unibersidad, mga guro, mag aaral at kaanak ni Ginoong Saulong kabilang ang kanyang apo na si G. Angel Saulong.
Ang Central Luzon State University ay nagtatag ng isang parangal upang bigyang-pugay si Ginoong Vivencio Saulong at ang kanyang mahalagang kontribusyon, hindi lamang sa unibersidad kundi pati na rin sa kasaysayan.
Isa sa mga nakatanggap ng parangal si Aljone Viterbo.
Bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan, isang monumento ang itinayo sa loob ng Central Luzon State University. Ang rebultong ito ay nagsisilbing paalala sa mga mag-aaral at sa buong komunidad ng kanyang katapangan at sakripisyo gayun na rin ang iba pang mga lumaban para sa bayan. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kanilang kwento, sila ay nagsilbing inspirasyon sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon.
Si Vivencio Saulong ay hindi lamang estudyante– siya rin ay isang lider at bayani na buong pusong inalay ang kanyang buhay para sa bayan. Ikaw, ano ang kaya mong gawin para sa iyong bayan?

