BABALA! SENSITIBONG BALITA:
WANTED SA PAGPATAY SA MUÑOZ, ARESTADO
Nadakip sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Science City of Muñoz Police Station ang isa sa Most Wanted Persons sa nasabing lungsod August 6, 2024.
Kinilala ang suspek na si LEO BALMEO y Gomeseria, 51 years old, at residente ng Barangay Pobacion West, Science City of Muñoz.
Base sa report ng Nueva Ecija Provincial Police Office, 9:00 AM nang arestuhin sa naturang lugar ang suspek para sa kasong Homicide.
Nagkakahalaga ng Php120,000.00 ang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

