WATER CREMATION, ECO FRIENDLY MAS MURA KAYSA TRADITIONAL NA CREMATION

Sa mundo ay may Iba’t ibang uri ng paglilibing, ito ay depende sa paniniwala at mga ritual.

Ang mga sinaunang tao, ang kanilang paglilibing sa kanilang mga yumao ay sa pamamagitan ng paglalagay sa mga kuweba at tinatakpan ng bato.

Habang ang tradisyonal na paglilibing namn sa mga Kristiyano ay binibihisan ng maganda at inilalagay sa kabaong bago ilibing.

Sa mga Muslim naman ang katawan ay binabalot ng puting tela, habang ang kanilang mukha ay nakaharap sa Mecca, at ang tradisyunal na paglilibing sa mga Hindu ay sinusunog nila ang katawan ng yumao.

At para naman sa usapang sinusunog, may mga Kristiyano na sa halip na ilibing, kanila itong ipinapa cremate at itinatabi ang buto.

Pero maliban sa fire cremation ay mayroon pang ibang klase ng cremation, ito ay ang water cremation o aquamation.

Sa proseso ng water cremation, ang katawan ay inilalagay sa loob ng isang metal chamber na tinatawag na reserve patient unit o alkaline hydrolysis unit.

Ang container o chamber na ito ay puno ng pinaghalo na tubig at isang matapang na alkaline substance combination ng potassium hydroxide.

Ang mixture na ito ay pinapainit ang temperature mula 160 degrees hanggang 320 °F paglipas ng ilang oras ang alkaline solution ang siyang tutunaw sa mga labi at tisyo ng katawan at ang tanging maiiwan ay ang kalansay o buto ng bangkay.

Ang likido na ginamit sa pagtunaw ng bangkay ay magiging kombinasyon ng tubig at ng natunaw na protina at taba at mineral na nagmula sa bangkay.

Ito ay ligtas upang ibalik muli sa ating kapaligiran ang natitirang mga fragment ng mga buto na ipo-proseso upang gawing purong pulbos o powder na katulad ng abo.

Ang abo ng buto ay karaniwang pinoproseso sa isang cremulator at maaaring ikalat tulad ng mga labi ng cremated, at ang likido ay nire-recycle pabalik sa ecosystem.

Ano ang mga benepisyo ng water cremation?

Ang water cremation ay mas mainam na paraan ng pagproseso ng mga labi. Hindi tulad ng fire cremation na nagbubuga ng usok o carbon dioxide na nakakasama sa kapaligiran, ang water cremation ay nag-i-sterilize sa halip na sumisira sa mga bone implant, na nag-iiwan sa mga ito na posibleng ma-recycle, at hindi ito nagbubuga ng nakakalason na mercury na makikita sa dental fillings.